News – Hepatology Society of the Philippines https://hsp.org.ph Thu, 06 Feb 2025 03:06:40 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.0 Fake HSP Facebook page https://hsp.org.ph/fake-hsp-facebook-page/ Thu, 06 Feb 2025 03:06:40 +0000 https://hsp.org.ph/?p=7287

Share This Story

Fake HSP Facebook page

There is only 1 official Hepatology Society of the Philippines FB page,

]]>
DOH CPG Agenda Inclusion https://hsp.org.ph/doh-cpg-agenda-inclusion/ Mon, 02 Dec 2024 01:53:41 +0000 https://hsp.org.ph/?p=7271

Share This Story

DOH CPG Agenda Inclusion

]]>
Primary Liver Cancer vs. Colorectal Cancer with Liver Metastasis https://hsp.org.ph/primary-liver-cancer-vs-colorectal-cancer-with-liver-metastasis/ Sat, 01 Apr 2023 10:17:14 +0000 https://hsp.org.ph/?p=6834

Share This Story

Primary Liver Cancer vs. Colorectal Cancer with Liver Metastasis

Ang primary liver cancer o hepatocellular carcinoma (HCC) ay isang cancer na nagsisimula sa liver cells. Ito ay may kaugnayan sa chronic liver disease tulad ng hepatitis B o C, alcoholism, at non-alcoholic fatty liver disease. Nangyayari din ang HCC kapag na-expose ang tao sa chemicals o toxins tulad ng aflatoxins, na nanggaling sa fungus ng sira o bulok na grains at nuts.

Ang colorectal cancer with liver metastasis ay isang cancer na nagsisimula sa colon o rectum at kumakalat sa buong atay. Ang atay ang madalas na pinagmumulan ng colorectal cancer metastasis dahil ang blood vessels na ginagamit ng colon at rectum ay diretso sa liver. Mas madalas na nangyayari ang colorectal cancer with liver metastasis at tinatayang 70% ang nagkakaroon nito.

Ang mga sintomas ng cancer na ito ay parehas – pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka, pagbabawas ng timbang at paninilaw. May mga pagkakataon din na ang primary liver cancer ay nagdudulot ng enlarged liver at ang colorectal cancer with liver metastasis ay nagdudulot ng maraming maliliit na tumor sa liver.

Ginagamot ang mga cancer na ito sa pamamagitan ng surgery, radiation therapy, chemotherapy, kombinasyon o liver transplant. Mahalaga na magpatingin sa doktor ang pasyente na may liver cancer para maagapan ang tamang gamutan.

SOURCES:

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5670263/
https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/colon-cancer/treating-colon-ca ncer-that-has-spread-to-the-liver-a-team-approach
https://www.mskcc.org/cancer-care/types/liver-metastases

]]>
Paano Nakakaapekto ang Liver Transplant sa Colorectal Cancer https://hsp.org.ph/paano-nakakaapekto-ang-liver-transplant-sa-colorectal-cancer/ Fri, 17 Mar 2023 16:28:28 +0000 https://hsp.org.ph/?p=6831

Share This Story

Paano Nakakaapekto ang Liver Transplant sa Colorectal Cancer

Nasisira ang liver o atay kapag ito ay nagkaroon ng matinding sakit tulad ng cirrhosis, viral hepatitis, o acute hepatic necrosis kung saan ito ay nagkaroon ng matinding impeksyon mula sa gamot, drugs o toxins. Ang mga sakit na ito ay nauuwi madalas sa chronic liver failure at ang pasyente ay kailangan sumailalim sa isang liver transplant para gumaling at mabuhay pa.

Ang liver transplant ay isang operasyon kung saan aalisin na ang atay o liver na hindi na gumagana ng maayos. Papaltan ito ng malusog na liver mula sa isang healthy donor, buhay man o patay na. Ang ilalagay na liver ay dapat kaparehas ng blood type ng pasyente.

Ang mga pasyenteng sumasailalim sa liver transplant ay nabubuhay ng 5 hanggat 20 taon o higit pa. Ngunit ang mga taong nagkasakit at nagkaroon ng chronic liver disease, kahit nag liver transplant na sya, ay kanditdao pa rin magkaroon ng colorectal cancer. Ito ay dahil sa gamot na binibigay na nagpapababa ng immune system. Nagiging mahina ang katawan ng pasyente labanan ang infection at cancer.

Ang pagkakaroon din ng cancer pagkatapos ng liver transplant ay maaring bunga din ng malalang komplikasyon dulot ng liver transplant.

Ang colorectal cancer ay isang sakit kung ang colon o rectum ay namamaga at lumalaki bigla. Kadalasan, nangyayari ito kapag tumataba at kulang sa exercise ang tao at hindi masyado kumakain ng prutas at gulay. Kayang maiiwasan ang colorectal cancer kapag ang pasyente na sasailalim sa liver transplant ay kukuha ng colonoscopy bago ang operasyon. Ito ay para makita kung may tumutubong abnormal na cancer cells at para maagapan ang cancer.
Ang colorectal cancer ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagkain ng gulay at prutas na mataas sa antioxidants tulad ng saging, mansanas, orange at peras. Ang pag iwas sa pagkain ng labis na karne, pag-inom at paninigarilyo ay makakatulong din. Ang pag-exercise ng regular para hindi tumaba at bumigat ang timbang ay mabuti din para maiwasan ang cancer.

SOURCES:
https://www.hopkinsmedicine.org/health/treatment-tests-and-therapies/liver-transplant
https://www.mayoclinic.org/medical-professionals/cancer/news/liver-transplantation-for-colorecta l-liver-metastases-at-mayo-clinic-in-jacksonville-florida/mac-20523491
https://www.healio.com/news/hepatology/20170201/chronic-liver-disease-linked-to-higher-colore ctal-cancer-risk#:~:text=Patients%20with%20chronic%20liver%20diseases,systematic%20revie w%20and%20meta%2Danalysis.

]]>
Ano ang Kaugnayan ng Liver Disease sa Colorectal Cancer https://hsp.org.ph/ano-ang-kaugnayan-ng-liver-disease-sa-colorectal-cancer/ Fri, 17 Mar 2023 16:24:20 +0000 https://hsp.org.ph/?p=6829

Share This Story

Ano ang Kaugnayan ng Liver Disease sa Colorectal Cancer

Ang liver o atay ay mahalagang organ at gland sa ating katawan na may mahigit 500 tungkulin o functions. Isa sa pinakamahalagang gawain nito ay gawing energy ang mga kinakain natin. Nililinis din nita ang masamang bagay sa katawan tulad ng alak at droga. Pero kapag inaabuso natin ang pagkain, droga, at alak, nakakakuha ng sakit ang atay tulad ng hepatitis A, hepatitis B, and hepatitis C. Maaari ding mauwi ito sa fatty liver disease at cirrhosis.

Kapag nagkasakit ang liver, nagsisimulang maging dilaw ang mata at balat, may sakit na nararamdaman sa abdomen, at nagsisimulang mamaga ang hita at bukong-bukong sa paa. Nawawalan din ng gana sa pagkain, nakakaramdam ng pagkahilo, at nangangati ang balat. Maaari ding sumuka ng dugo at ang dumi ay nagiging maitim.

Kapag nagkaroon ng chronic liver disease, malaki ang tsansang mauwi ito sa colorectal cancer o CRC kahit sumailalim ang pasyente sa liver transplant. Kaya sinasabing “silent killer” ang colorectal cancer ay dahil nagsisimula lamang ito sa pagsakit ng tyan at pagbaba ng timbang na kadalasan nadedetect lamang pag advance stage na ng cancer.

Ang colon o rectal cancer ay madalas nagsisimula kapag lagpas 50 years old na ang edad. Ito ay maaaring nasa lahi o pag abuso sa katawan sa pamamagitan ng hindi pag ehersisyo, hindi pagkain ng prutas at gulay, at patuloy na pagtaba at pagbigat ng timbang lalo na ang labis na pagkonsumo ng karne.

Ang colorectal cancer ay isa sa pinaka kayang iwasan na uri ng cancer. At para mapanatiling malusog ang liver, ugaliing kumain ng mas maraming gulay, prutas, lean protein at healthy fats. Sa pamamagitan ng screening o colonoscopy, makikita na agad ang maaaring pre-cancerous growths sa colon o rectum na tinatawag na polyps at magamot ito agad agad.

SOURCES:
https://www.mdedge.com/clinicianreviews/article/140992/hepatology/liver-disease-doubles-risk-c olorectal-cancer
https://www.healio.com/news/hepatology/20170201/chronic-liver-disease-linked-to-higher-colore ctal-cancer-risk#:~:text=Patients%20with%20chronic%20liver%20diseases,systematic%20revie w%20and%20meta%2Danalysis.
https://www.webmd.com/colorectal-cancer/colon-cancer-liver-metastasis

]]>
Mag Exercise para sa Kalusugan ng Puso at Atay https://hsp.org.ph/mag-exercise-para-sa-kalusugan-ng-puso-at-atay/ Wed, 08 Mar 2023 08:57:23 +0000 https://hsp.org.ph/?p=6826

Share This Story

Mag Exercise para sa Kalusugan ng Puso at Atay

Ang exercise o ehersisyo ng regular ay napakahalagang gawin para sa kabuuang kalusugan ng ating katawan. Ang simpleng aerobic exercise tulad ng regular na paglalakad araw-araw ng 30 minuto ay napakalaking bagay para sa puso at sa katawan. Pinapatibay nito ang buto, binabawasan ang taba sa katawan, at higit sa lahat, nakakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng heart disease, type 2 diabetes, osteoporosis, at ibang uri ng cancer.

Ang pagbibisekleta, pag-lalangoy, at pag-jogging o pag-takbo ay mga uri din ng aerobic exercise na mabuti para sa puso at cardiovascular system. Ito ay may magandang epekto sa pagdaloy ng dugo sa katawan at pinapataas ang daloy ng oxygen na pumupunta sa liver o sa atay.

Ang pag exercise din ay napakainam para sa kalusugan ng liver o atay. Tinataas nito ang fatty acid oxidation, binababa ang fatty acid synthesis, at pinipigilan ang mitochondrial at hepatocellular damage. Sa madaling sabi, pinapabuti ng pag eehersisyo ang kalagayan ng liver para maiwasan ang mga sakit sa atay. Para mapanatiling malusog ang atay, ugalian mag exercise ng 150 minutes kada linggo – maaaring kombinasyon ito ng iba’t ibang ehersisyo.

Ugaliin gmag exercise ng regular at bantayan ang kinakain, dahil ang pagdagdag ng timbang ay maaaring mauwi sa fatty liver disease. Kumain din ng pagkaing nakakatulong lalo pang magpalusog ng puso at atay tulad ng prutas, kamatis, sibuyas, at seafood na mayaman sa omega-3 tulad ng salmon, sardinas at tuna. Ang vitamins A at C, na nakukuha sa prutas at gulay tulad ng spinach na naglalaman ng folate ay mabuti para sa puso at antioxidants para naman sa atay. Ang broccoli ay napakabuti din para sa kalusugan ng atay dahil pinipigilan nito ang fatty liver.

Tandaan, mapapanatili ang kalusugan ng puso at atay sa pamamagitan ng pag exercise, malusog na pagkain, pag iwas sa bisyo, at tamang pahinga. Ang pag exercise ang isa sa pinaka malakas na depensa ng katawan para labanan din ang mga toxins na nagdudulot ng maraming sakit sa katawan.

SOURCES:

https://www.healthxchange.sg/digestive-system/liver/tips-healthy-liver#:~:text=Regular%20exercise%20is%20key%20to,walking%20or%20swimming%20per%20week.

https://drjoegalati.com/2019/02/26/good-for-your-heart-good-for-your-liver-too/#:~:text=In%20ad dition%20to%20vitamins%20A,in%20the%20liver%20in%20mice.

https://www.webmd.com/fitness-exercise/guide/exercise-healthy-heart

]]>
Ang Koneksyon ng Diabetes, Heart at Liver Diseases https://hsp.org.ph/ang-koneksyon-ng-diabetes-heart-at-liver-diseases/ Wed, 08 Mar 2023 08:48:56 +0000 https://hsp.org.ph/?p=6824

Share This Story

Ang Koneksyon ng Diabetes, Heart at Liver Diseases

Magkaugnay “anatomically” at “physiologically” ang atay at ang puso dahil sa “blood circulation.” Dahil sa iisa ang landas ng tinatahak ng dugo sa ating katawan, kapag may sakit ang atay, naapektuhan din ang puso.

Ang pagbigat ng timbang o pagtaba, diabetes at mataas na cholesterol ay madalas nagiging nonalcoholic fatty liver disease o NAFLD. At kadalasan, ang may type 2 diabetes ay may NAFLD din.

Kapag nagkaroon ng diabetes, mas malaki ang tyansa na magkaroon ng sakit sa puso. Ang high blood glucose mula sa diabetes ay sinisira ang blood vessels at ang mga ugat na nagko-kontrol sa puso. Pag nagtagal, nauuwi ito sa sakit sa puso o heart attack. Isa pa, kapag may high blood pressure, pinapalakas nito ang daloy ng dugo sa arteries na nakakasira ng artery walls.

Kapag may diabetes, mas dapat alagaan ang puso. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbabantay ng blood glucose o blood sugar. Dapat din binabantayan ang abnormal buildup ng fats sa liver na hindi sanhi ng alcohol. Madalas ay nauuwi ito sa sakit sa puso at type 2 diabetes.

Kaya’t iwasan natin magkaroon ng fatty liver. Ugaliin mag exercise at magpababa ng timbang lagi, bantayan at iregulate ang blood pressure, bantayan ang blood sugar, at wag uminom ng alak na labis.

SOURCES:
https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/preventing-problems/heart-disease-stroke
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/expert-answers/diabetes/faq-20058461#:~:text=Diabetes%20raises%20your%20risk%20of,have%20nonalcoholic%20fatty%20liver%2 0disease.
https://www.heart.org/en/news/2022/11/16/fatty-liver-disease-may-increase-heart-failure-risk#:~:text=An%20abnormal%20buildup%20of%20fat,fatty%20liver%20disease%2C%20or%20NAFLD

]]>
Ang Tamang Diet ay Nakakatulong sa Kalusugan ng Atay at Puso https://hsp.org.ph/ang-tamang-diet-ay-nakakatulong-sa-kalusugan-ng-atay-at-puso/ Mon, 20 Feb 2023 01:01:55 +0000 https://hsp.org.ph/?p=6821

Share This Story

Ang Tamang Diet ay Nakakatulong sa Kalusugan ng Atay at Puso

Ang pagkain ng masustansyang pagkain at ang pag-iwas sa processed food ay isang susi para manatiling malusog ang liver o atay at ang puso.

Ang tungkulin ng liver o atay ay para alisin ang mga toxins sa katawan. Ang atay din ang tumutulong para matunaw ang fats o taba. Kung ang diet ay mataas sa processed foods, asukal, chichirya, fried food, at alak, nahihirapan ang atay gampanan ang mga trabaho nito na nagiging dahilan ng mga sakit.

Para mapanatili ang kalusugan ng atay, mahalagang kumain ng diet na mataas sa fiber, antioxidants, at healthy fats. Ang mga ito ay makikita sa whole grains, legumes, nuts at oatmeal. Ang pagkain ng prutas at dahong gulay ay malaking tulong din sa proper digestion at pagbawas ng dumi at toxins sa katawan.

Para naman mapanatiling malusog ang puso, kailangan ng steady supply ng nutrients. Ito ay makukuha sa pagkain ng isda, nuts, at avocado. Kailangan din kumain ng maraming prutas at sari saring gulay para sa kalusugan ng puso.

Iwasan ang diet na mataas sa saturated fats tulad ng sausages, butter,  cheese, chocolates, cakes at iba pang snacks tulad ng popcorn at chips. Magbawas din sa pagkain na mataas sa cholesterol tulad ng fried food, full-fat dairy, at mga pagkaing mamantika.

Ang mga pagkaing ma-cholesterol ay maaaring magdulot ng pagbabara sa mga ugat sa puso na maaaring mauwi sa sakit sa puso o heart attack.

Ang susi sa maayos na kalusugan ng puso at atay ay ang pagkakaroon ng maayos na diet. Sa pagpili ng tama at masustansyang pagkain, mapapanatiling malayo sa sakit ang mga napakahalagang organs sa katawan.

SOURCES:

https://www.amsety.com/livermatters/liver-diet/cardiac-diet-healthy-liver/

https://www.webmd.com/hepatitis/ss/slideshow-foods-help-liver

]]>
National Health Insurance Month 2022 https://hsp.org.ph/national-health-insurance-month-2022/ Fri, 10 Feb 2023 03:22:56 +0000 https://hsp.org.ph/?p=6817

Share This Story

National Health Insurance Month 2022

February is National Health Insurance Month!

]]>
Magkaugnay ang Sakit sa Puso at Sakit sa Atay https://hsp.org.ph/magkaugnay-ang-sakit-sa-puso-at-sakit-sa-atay/ Wed, 08 Feb 2023 07:47:24 +0000 https://hsp.org.ph/?p=6812

Share This Story

Magkaugnay ang Sakit sa Puso at Sakit sa Atay

Ang kalusugan ng liver o atay ay may kaugnayan sa kalusugan ng puso.

Kapag nagkaroon ng karamdaman ang puso, nagiging mahina ito at naapektuhan ang kakayahan nitong mag pump ng dugo sa buong katawan. Sa tuwing nababawasan ang dugong dumadaloy sa buong katawan, kakaunti ang oxygen na umiikot sa katawan na nag reresulta sa kapos na paghinga, pamamaga ng paa o fluid buildup. Kakaunti ang nakukuhang dugo ng lahat ng organs sa katawan kabilang na ang liver o atay.  At ang kakulangan ng sapat na dugo at oxygen ay nagdudulot ng sakit sa atay.

Nagkakasakit ang atay tuwing kulang ang nakukuha nitong dugo at oxygen mula sa puso. Ang nonalcoholic fatty liver disease o NAFLD ay isang kondisyon na karaniwang nagsisimula rin sa sakit sa puso. Ito ay maaaring mauwi sa permanent liver damage at atherosclerosis, kapag nagkaroon ng bara ang mga arteries ng puso. Ang patuloy na pag buildup ng fat sa atay ay maaaring mauwi rin sa heart failure.

Kahit magkaugnay ang sakit sa puso at sakit sa atay, pwedeng maiwasan ang mga ito  sa pamamagitan ng wastong lifestyle at kalusugan. Ilan sa mga paraan upang mapalakas ang puso at ang atay ay ang pagkain ng masustansyang pagkain para maiwasan ang paglaki at pag-bigat ng timbang, pag exercise ng madalas, at sapat na pahinga.

SOURCES:

https://www.heart.org/en/news/2022/11/16/fatty-liver-disease-may-increase-heart-failure-risk
https://www.health.harvard.edu/heart-health/fatty-liver-disease-an-often-silent-condition-linked-t o-heart-disease
https://www.webmd.com/heart-disease/heart-failure/heart-failure-complications

]]>