Frequently Asked Questions (FAQs) Tagalog Version
Higit sa 15 milyong mga Pilipino ang mayroong hepatitis B. Ang pagbabakuna ay ang pinakamabisang paraan ng pag-iwas sa impeksyon na ito. Nakababahala na ayon sa Department of Health (DOH) bumaba ang bilang ng mga nagpapabakuna dahil sa kasalukuyang usapin sa Dengvaxia. Ang kontrobersiyangito ay nagdulot ng pangamba at takot sa mga magulang at mga taong dapat bigyan nito.
Ang dokumentong ito ay inihanda ng Hepatology Society of the Philippines (HSP) bilang gabay upang maalis ang pag-aatubuli at pangamba sa paggamit ng bakuna kontra hepatitis B.
Ano ang hepatitis B?
Ang hepatitis B ayimpeksyon ng atay na dulot ng hepatitis B virus. Ito ay maaaring mauwi sa pagkakaroon ng (1) bukolo kanser ng atay, (2) pagkasira at pagiit ng atay (cirrhosis), at humantong sa maraming kumplikasyon, tulad ng pagdurugo sa tiyan (variceal bleeding), pagbagsak ng katawan (weight loss/malnutrition), pag- ipon ng tubig sa tiyan (ascites), paglabo o pagkawala sa tamang kaisipan (liver encephalopathy). at kamatayan sa pagpalya ng atay.
Ano ang nilalaman ng bakuna sa kontra hepatitis B at gaano kadalasito ibinibigay?
Ang bakuna kontra hepatitis B ay gawa sa mga malilit na bahagi ng hepatitis B virus. Ito ay hindinagdudulot ng sakit. Pinapalakaslamang nito ang resistensiya ng katawan laban sa hepatitis B virus. Ibinibigayito sa pamamagitan ng pagturok sa kalamnan ng braso o binti ng tatlong beses saloob ng anim na buwan.
Sinu-sino ang dapat bigyan ng bakuna kontra hepatitis B?
Anglahat ng sanggol ay dapat bakunahan saloob ng 24 oras mu a sa kanilang kapanganakan, kung kaian pinakamataas ang panganib na maipasa ang impeksiyon mula sa kanilang mga ina.
Anglahat ng Pilipino, bata man o matanda, na hindi pa nagkaroon ng sakit na hepatitis B ay dapat mabigyan din ng bakuna.
Mabisa ba ang bakuna sa kontra hepatitis B?
Higit sa 90% ang proteksiyonlaban sa hepatitis B ang Aa maibibigay ng kumpletong bakuna.