Share This Story

Paano alagaan ang atay kapag may Cirrhosis na?

Kung ikaw ay may cirrhosis, ang isa sa pangunahin mong health goals ay protektahan ang mga natitira mong healthy liver tissue.

Hindi man totally magagamot ang cirrshosis ng mga lifestyle changes na may kinalaman sa pag-aalaga ng atay, nakatutulong naman ang mga ito para mapabagal o mahinto ang paglala ng sakit at sintomas. Makakatulong din ito para maiwasan ang mga komplikasyon.

#LoveYourLiver para ma-manage ang cirrhosis. Ito ang ilang paraan.

Tumigil sa pag-inom ng alak. Kung ang iyong cirrshosis ay dulot ng sobrang pag-inom ng alak, kailangan mo nang ihinto ang pag-inom nito. Kung nahihirapan kang itigil ang pag-inom, pwede kang humingi ng rekomendasyon sa doctor mo tungkol sa treatment program para sa alcohol addiction. Tandaan na kahit konting alak ay masama para sa taong merong cirrhosis.

Magbawas ng timbang. Kung ang iyong cirrshosis ay dulot ng nonalcoholic fatty liver disease, maiging magbawas ng timbang at i-control ang iyong blood sugar levels.

Magkaroon ng healthy, balanced diet. Sa ilang kaso ng cirrhosis, kailangan ng salt-restricted diet para maiwasan ang fluid retention sa katawan. Ang pag-iwas sa maalat na pagkain o mga pagkaing mataas ang sodium content ay makatutulong para maiwasan ang pamamasa sa tiyan at binti.

Iwasan din ang pagkain ng hilaw na seafoods. Tanungin ang iyong doctor kung ano ang tamang dami ng protein intake mo. Depende sa iyong kondisyon, kailangan mong bawasan o dagdagan ang iyong protein intake.

Magpabakuna laban sa Flu, Pneumonia, at Hepatitis. Makatutulong ang mga bakunang ito para makaiwas sa mga nasabing sakit o di kaya para hindi maging masyadong malala ang mga sintomas kung ikaw man ay maging infected.

Uminom lang ng gamot na nireseta ng iyong doctor. Iwasan ang pag inom ng gamot at herbal supplements kung hindi ito aprubado ng iyong doktor. Pwede itong magkaroon ng di magandang interaksyon sa kasalukuyang gamot na iniinom mo para sa cirrhosis.

Ilan lamang ito sa mga karaniwang lifestyle changes na pwedeng gawin kapag ikaw ay may cirrhosis. Pwedeng may mga ilang bagay ka pang dapat isaalang-alang o gawin kaya’t importanteng magpakonsulta sa iyong doktor para sa iba pang health o medical options na appropriate para sa kondisyon mo.

References:
Slivinski, N (2020, Dec. 8) Cirrhosis and Your
Liver.WebMD.https://www.webmd.com/digestive-disorders/understanding-cirrhosis-basic-information

Ronnenberg, A. (2017, March).Lifestyle Changes to Manage Cirrhosis. Western New York Urology Associates.
https://www.wnyurology.com/content.aspx?chunkiid=19276#:~:text=Lifestyle%20changes%20ca nnot%20cure%20cirrhosis,symptoms%2C%20and%20help%20prevent%20complications.&text =Avoid%20drinking%20alcohol.,%2C%20raw%20fish%2C%20and%20shellfish.

Anonymous. (2020, June 29. ) Treatment, Cirrhosis.
NHS.https://www.nhs.uk/conditions/cirrhosis/treatment/