Lagay ng Atay, Kita sa Balat
Alam mo ba na bukod sa ating atay, ang ating balat ay isa ring detoxification organ? Ibig sabihin, tumutulong ito sa pagtanggal ng mga toxins na pumapasok sa ating katawan araw-araw.
Kapag may problema ang ating atay, ang mga toxins na nilalabas ng ating balat ay pwedeng mag build up na maaaring magdulot ng iba’t-ibang problema sa balat tulad ng dermatitis, premature wrinkles, mapula at makating rashes, pamamantal, tigyawat, rosacea, eczema, brown liver spots, at masakit na rashes na maaaring mahantong sa ulcer at psoriasis.
Sa madaling salita, ang ating balat ay sumasalamin sa kakakayahan ng ating atay na tanggalin ang mga toxins sa ating katawan.
Saan galing ang mga toxins?
Araw-araw, naeexpose tayo sa mga toxins na kailangan linisin ng ating atay. Ilan sa mga ito ay:
- Maruming hangin
- Pesticides sa ating pagkain
- Miscroscopic na plastic mula sa mga container ng pagkain
- Kemikal mula sa mga panlinis sa bahay
- Kemikal mula sa mga skincare products at makeup
- Kemikal mula sa inuming tubig
- Alikabok, bacteria, and molds mula sa indoor air
- Kemikal na gamit sa ating bahay tulad ng pintura at fire retardants sa ating mga furniture
- Alak
- Usok ng sigarilyo
- Gamot
Pwedeng mag build up ang toxins sa ating katawan at di na kayanin ng ating atay na matanggal ang lahat nito sa ating katawan.
Makatutulong na limitahan ang exposure sa mga toxins na ito. Ito ang ilang paraan.
- Bawasan ang pagkain ng processed foood
- Itigil ang paninigarilyo
- Magkaroon ng healthy, balanced diet
- Piliin ang mga organic options ng pagkain
- Gumamit ng mga natural na cleaning at beauty products
- Gumamit ng glass o steel food containers at iwasang gumamit ng cling film, plastic water bottles, at plastic food containers
- Umiwas sa heavily polluted na lugar
- Maglagay ng halaman na nakatutulong linisin ang hangin sa loob ng bahay
- Bumili ng secondhand na furniture para mas nakakasigurong nabawasan na ang kemikal at fire retardants na ginamit dito.
Makatutulong din ang mga lifestyle adjustments sa iyong atay at balat tulad ng pag ehersisyo,
sapat na tulog, pagbawas ng stress, at pamamasyal sa mga green o natural spaces kung saan
kaunti ang polusyon.
Ang mga maliliit na adjustment na ito ay makatutulong para mabawasan ang toxic load at
pressure sa ating atay at magandang kondisyon ng ating balat. Kaya’t alagaan ang kalusugan
para hindi lang healthy inside, mukhang healthy at glowing din tayo on the outside.
References:
How your Health is Reflected in Your Skin | Know your skin! (2015). www.skinvision.com.
https://www.skinvision.com/articles/how-your-health-is-reflected-in-your-skin/
Your Skin Reflects Your Liver | Liver Doctor. (n.d.). Www.liverdoctor.com.
https://www.liverdoctor.com/your-skin-reflects-your-liver/
re:lax. (2020, June 10). Liver Support and Skin Health. Relax.
https://www.relax-ldn.com/single-post/liver-support-and-skin-health
Olabi, o, et al (2019). Public and Environmental Health Effects of Plastic Wastes Disposal: A
Review. Clinmedjournals.org, 5(1). https://doi.org/10.23937/2572-4061.1510021