Kati-kati sa balat? Baka ‘di lang yan allergy
Hindi lahat ng pangangati ng balat ay dulot ng allergies. Ang iba ay comorbidity ng chronic liver disease na tinatawag na “pruritus.”
Ang comorbidity ay isang karagdagang sakit na pwedeng nagpapalala sa pangunahing sakit.
Ayon kay Dr. Jeffrey Bernard, director ng Division of Dermatology sa University of Massachusetts Medical Center, minsan ang pangangati ng balat ang unang sintomas ng isang sakit na lalabas na lamang matapos ang ilang buwan o taon.
Ito ang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa pangangati ng balat at sa chronic liver disease.
- Marami sa mga pasyenteng may chronic liver disease ay nakararanas ng pangangati kahit na wala namang rashes o mga skin findings.
- Ang mga pasyenteng may chronic liver disease ay nagdedevelop ng systemic itch na pwedeng makasagabal sa kanilang pang-araw araw na gawain at makadisturbo sa pagtulog. Madalas, hindi nakatutulong ang pagkamot sa Kati.
- Ang mga pasyenteng may primary biliary cholangitis (PBC), isang uri ng chornic liver disease, ang kadalasang nakararanas ng pangangati
- Ang cholestasis na dulot ng hepatitis, cirrhosis, o obstructive jaundice ay nagdudulot ng
- Hindi lahat ng pangangati sa chronic liver disease ay nagagamot ng antihistamines, sedatives, at mga ointment.
Importanteng magpakonsulta sa doctor para malaman ang underlying causes ng pangangati ng balat, lalo na sa mga matatandang pasyente. Mahalagang maipaliwanag din sa mga pasyente na dapat iwasang magkamot para hindi masugat ang balat, panatilihing hydrated ang balat at umiwas sa mga skin-drying activities tulad ng pagligo ng matagal gamit ang mainit na tubig, pagpunta sa maiinit na lugar, paggamit ng alkali na sabon, at pagsuot ng mga tela na mainit at makati sa balat.
References:
Beltran, G.C. (February 19, 2019). Not everything that itches is allergy. Philippine Star.
Yoshikawa, S., Asano, T., Morino, M. et al. Pruritus is common in patients with chronic liver disease and is improved by nalfurafine hydrochloride. Sci Rep 11, 3015 (2021). https://doi.org/10.1038/s41598-021-82566-w