Share This Story

Liver Failure Sa Mga Bata

Nagkakaroon ng liver failure kung ang atay ay nasira na at hindi na kayang gampanan ang trabaho nito sa ating katawan. Bagamat madalang, pwedeng magkaroon ng  liver failure ang mga bata at sanggol. Pediatric liver failure ang tawag dito. Karamihan naman ay gumagaling pero may ilang malalang kondisyon kung saan kailangan na ng liver transplant para mabuhay ang pasyente.

Sanhi

Ang liver failure sa mga bata ay pwedeng nakuha sa impeksyon, metabolic liver disease, mga gamot, at problema sa immune system. Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, 50% ng malalang liver cases sa mga bata ay walang matukoy na malinaw na dahilan.

  • Impeksyon: Hepatitis A, B and D, echovirus, adenovirus, parvovirus, NANB hepatitis, Epstein-Barr virus, cytomegalovirus, herpes at leptospirosis
  • Drugs o toxins: Valproic acid, isoniazid, halothane, acetaminophen o paracetamol, mushroom, phosphorous at aspirin
  • Cardiovascular conditions: Extracorporeal membrane oxygenation, hypoplastic left heart syndrome, shock, asphyxia, myocarditis
  • Metabolic disorders: Galactosemia, tyrosinemia, iron storage, mitochondrial condition, hereditary fructose intolerance (HFI) and fatty acid oxidation, Reye’s syndrome, leukemia
  • Immune-related conditions: Autoimmune hepatitis, immune dysregulation, immune deficiency, hemophagocytic lymphohistiocytosis (HLH)

Sintomas

  • Flu-like symptoms tulad ng panghihina, naduduwal, pagsusuka, at lagnat
  • Pananakit ng tyan
  • Jaundice (paninilaw ng balat at mata)
  • Enlarged liver o spleen
  • Madaling mag-bleed kapag nasugatan
  • Madalas o mabilis na magkaroon ng pasa
  • Pagiging iritable o nagbabago ang mental state

Tests at Diagnosis

  • Review ng medical history
  • Physical exam
  • Blood tests
  • Liver biopsy

Lunas

Ang gamot sa liver failure sa mga bata ay depende sa sanhi. Kadalasan ito ay supportive treatment kung saan kailangang i-manage ang low blood sugar, bleeding, pamamaga ng utak, at fluid overload. Para sa mga lumalalang kaso ng liver failure, pwedeng kailanganin mag-undergo sa liver transplant ang pasyente.

References:
Liver Failure in Children. (n.d.). www.nationwidechildrens.org. https://www.nationwidechildrens.org/conditions/liver-failure-in-children

Pediatric Acute Liver Failure in Children. (n.d.). Www.childrenscolorado.org. https://www.childrenscolorado.org/conditions-and-advice/conditi ons-and-symptoms/conditions/acute-liver-failure/