Share This Story

Ano ang Kaugnayan ng Liver Disease sa Colorectal Cancer

Ang liver o atay ay mahalagang organ at gland sa ating katawan na may mahigit 500 tungkulin o functions. Isa sa pinakamahalagang gawain nito ay gawing energy ang mga kinakain natin. Nililinis din nita ang masamang bagay sa katawan tulad ng alak at droga. Pero kapag inaabuso natin ang pagkain, droga, at alak, nakakakuha ng sakit ang atay tulad ng hepatitis A, hepatitis B, and hepatitis C. Maaari ding mauwi ito sa fatty liver disease at cirrhosis.

Kapag nagkasakit ang liver, nagsisimulang maging dilaw ang mata at balat, may sakit na nararamdaman sa abdomen, at nagsisimulang mamaga ang hita at bukong-bukong sa paa. Nawawalan din ng gana sa pagkain, nakakaramdam ng pagkahilo, at nangangati ang balat. Maaari ding sumuka ng dugo at ang dumi ay nagiging maitim.

Kapag nagkaroon ng chronic liver disease, malaki ang tsansang mauwi ito sa colorectal cancer o CRC kahit sumailalim ang pasyente sa liver transplant. Kaya sinasabing “silent killer” ang colorectal cancer ay dahil nagsisimula lamang ito sa pagsakit ng tyan at pagbaba ng timbang na kadalasan nadedetect lamang pag advance stage na ng cancer.

Ang colon o rectal cancer ay madalas nagsisimula kapag lagpas 50 years old na ang edad. Ito ay maaaring nasa lahi o pag abuso sa katawan sa pamamagitan ng hindi pag ehersisyo, hindi pagkain ng prutas at gulay, at patuloy na pagtaba at pagbigat ng timbang lalo na ang labis na pagkonsumo ng karne.

Ang colorectal cancer ay isa sa pinaka kayang iwasan na uri ng cancer. At para mapanatiling malusog ang liver, ugaliing kumain ng mas maraming gulay, prutas, lean protein at healthy fats. Sa pamamagitan ng screening o colonoscopy, makikita na agad ang maaaring pre-cancerous growths sa colon o rectum na tinatawag na polyps at magamot ito agad agad.

SOURCES:
https://www.mdedge.com/clinicianreviews/article/140992/hepatology/liver-disease-doubles-risk-c olorectal-cancer
https://www.healio.com/news/hepatology/20170201/chronic-liver-disease-linked-to-higher-colore ctal-cancer-risk#:~:text=Patients%20with%20chronic%20liver%20diseases,systematic%20revie w%20and%20meta%2Danalysis.
https://www.webmd.com/colorectal-cancer/colon-cancer-liver-metastasis