Share This Story

Acute Liver Failure at Chronic Liver Failure, anong pinagkaiba?

Ang liver failure ay isang malubhang kondisyon na kinakailangan ng agarang medical attention. Ito ang final stage ng maraming liver disease. Nangyayari ang liver failure kung ang malaking bahagi ng atay ay nasira na at di na nito kayang gawin ang tungkulin sa katawan.

Meron itong dalawang klase: acute liver failure at chronic liver failure.

Acute Liver Failure
Ang mabilis o agarang pagkawala ng liver function. Nangyayari ito sa loob ng ilang araw o linggo, kadalasan sa mga taong wala namang preexisting liver disease.

Posibleng sanhi:
Drug overdose: Kapag nag overdose sa ilang gamot, tulad ng acetaminophen.

Wilson’s disease: Kapag may ganitong uri ng genetic condition, pwede maipon ang copper sa katawan.

Reye’s syndrome: Kadalasang biktima nito ang mga batang gumagaling na sa isang viral infection. Nagdudulot ito ng pamamaga ng atay at utak.

Acute fatty liver of pregnancy: Isang rare condition na nangyayari sa third trimester ng pagbubuntis kung saan hindi nabe-breakdown ng cells ang fatty acids. Dahil sa dysfunction na ito, naiipon ang taba sa atay at iba pang organs sa katawan.

Budd-Chiari syndrome: Isang rare disease kung saan naninikip at nababara ang mga blood vessels sa atay.

Sepsis. Ang sepsis ay isang malalang kondisyon na buhat sa pagtugon ng katawan sa mga impeksyon na nagpinsala sa sarili nitong mga tissue at organ.

Ilang sintomas:

  • Paninilaw ng balat o mata
  • Masakit ang upper right na parte ng tyan
  • Namamagang tyan (ascites)
  • Naduduwal (nausea)
  • Pagsusuka
  • Hindi magandang pakiramdam (malaise)
  • Sabog ang pagiisip o nalilito (disorientation or confusion)
  • Pagka-antok
  • Panginginig (tremors)

Mga lunas:

  • Pag-iwas sa alak o gamot na pwedeng makasira sa atay
  • Pagbawas sa pagkain ng red meat, keso, at itlog
  • Pagbawas ng timbang at management ng metabolic risk factors tulad ng high blood pressure at diabetes
  • Pagbawas o pag-iwas sa asin sa diet
  • Liver transplant

Chronic Liver Failure
Mas matagal na nadedevelop ang chronic liver failure kumpara sa acute liver failure. Umaabot ng ilang buwan o taon bago makita ang mga sintomas. Kadalasang sanhi nito ay cirrhosis kung saan ang healthy liver tissue ay napapalitan ng scar tissue. Kapag nangyari ito, unti-onting nababawasan ang kakayahan ng atay para gawin ang trabaho nito. Ang cirrhosis ay kadalasang sanhi ng hepatitis C infection, alcohol overuse, o nonalcoholic fatty liver disease (NAFLD).

Ilang sintomas:

  • Naduduwal (nausea)
  • Walang ganang kumain
  • Madaling mapagod
  • Diarrhea
  • Paninilaw ng balat o mata
  • Pagbaba ng timbang
  • Madaling magkapasa o dinudugo
  • Pangangati ng balat
  • Pamamanas ng paa
  • Ascites o fluid buildup sa tyan

Ang mga sintomas na ito ay pwedeng sanhi ng ibang sakit kaya’t mahirap ma-diagnose ang liver failure. Ang ilang pasyente ay hindi nakakaramdam ng anumang sintomas hanggat ang kanilang liver failure ay nasa final stage na.

Mga lunas:

  • Intravenous (IV) fluids para sa ma-maintain ang blood pressure
  • Gamot tulad ng laxatives o enemas para maalis ang mga toxins (poisons) sa katawan
  • Blood glucose (sugar) monitoring
  • Blood transfusion kung may matinding bleeding excessively. Breathing tube, para sa mas maayos na paghinga.

Bawasan ang iyong risk na magkaroon ng liver failure sa tulong ng healthy lifestyle at pag-undergo ng physical examination kasama na ang screening para sa obesity, high cholesterol, high blood pressure, at diabetes kada taon.

Kadalasang nakakarecover sa liver failure ang pasyente kung naagapan. Sa mga kinailangan magpa-liver transplant, bumabalik ang sigla ng katawan sa loob ng anim na buwan at pwede na nilang gawin ang mga pang-araw-araw na gawain, basta’t ituloy lamang ang prescribed medication ng doctor para hindi i-reject ng katawan ang bagong atay,

References:
WebMD. (2004, July 9). What Is Liver Failure? WebMD; WebMD. https://www.webmd.com/digestive-disorders/digestive-diseases-liver-failure

Chronic vs. Acute Liver Failure – Understand the Differences. (2022, January 20).
Www.pinsonandtang.com. https://www.pinsonandtang.com/resources/chronic-vs-acute-liver-failure/

Cherney, K. (May 20, 2022). What You Should Know About Hepatic Failure. Healthline. https://www.healthline.com/health/hepatic-failure

Acute liver failure – Symptoms and causes. (n.d.). Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/acute-liver-failure/symptoms-causes/syc-203528 63#:~:text=Acute%20liver%20failure%20is%20loss

Sepsis. (n.d.). Reeve Foundation. Retrieved December 6, 2022, from https://www.christopherreeve.org/tl/international/tagalog-hub/kalusugan/mga-sekundaryang-kon disyon-at-wellness/sepsis#:~:text=Sepsis%20%E2%80%93%20tinatawag%20rin%20na%20pag kakalason

Cleveland Clinic. (2017). Liver Failure | Cleveland Clinic. Cleveland Clinic. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17819-liver-failure

What You Need to Know About Hepatic Failure (Liver Failure). (n.d.). Healthline. https://www.healthline.com/health/hepatic-failure