Share This Story

Ang Koneksyon ng Diabetes, Heart at Liver Diseases

Magkaugnay “anatomically” at “physiologically” ang atay at ang puso dahil sa “blood circulation.” Dahil sa iisa ang landas ng tinatahak ng dugo sa ating katawan, kapag may sakit ang atay, naapektuhan din ang puso.

Ang pagbigat ng timbang o pagtaba, diabetes at mataas na cholesterol ay madalas nagiging nonalcoholic fatty liver disease o NAFLD. At kadalasan, ang may type 2 diabetes ay may NAFLD din.

Kapag nagkaroon ng diabetes, mas malaki ang tyansa na magkaroon ng sakit sa puso. Ang high blood glucose mula sa diabetes ay sinisira ang blood vessels at ang mga ugat na nagko-kontrol sa puso. Pag nagtagal, nauuwi ito sa sakit sa puso o heart attack. Isa pa, kapag may high blood pressure, pinapalakas nito ang daloy ng dugo sa arteries na nakakasira ng artery walls.

Kapag may diabetes, mas dapat alagaan ang puso. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbabantay ng blood glucose o blood sugar. Dapat din binabantayan ang abnormal buildup ng fats sa liver na hindi sanhi ng alcohol. Madalas ay nauuwi ito sa sakit sa puso at type 2 diabetes.

Kaya’t iwasan natin magkaroon ng fatty liver. Ugaliin mag exercise at magpababa ng timbang lagi, bantayan at iregulate ang blood pressure, bantayan ang blood sugar, at wag uminom ng alak na labis.

SOURCES:
https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/preventing-problems/heart-disease-stroke
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/expert-answers/diabetes/faq-20058461#:~:text=Diabetes%20raises%20your%20risk%20of,have%20nonalcoholic%20fatty%20liver%2 0disease.
https://www.heart.org/en/news/2022/11/16/fatty-liver-disease-may-increase-heart-failure-risk#:~:text=An%20abnormal%20buildup%20of%20fat,fatty%20liver%20disease%2C%20or%20NAFLD