Ang Tamang Diet ay Nakakatulong sa Kalusugan ng Atay at Puso
Ang pagkain ng masustansyang pagkain at ang pag-iwas sa processed food ay isang susi para manatiling malusog ang liver o atay at ang puso.
Ang tungkulin ng liver o atay ay para alisin ang mga toxins sa katawan. Ang atay din ang tumutulong para matunaw ang fats o taba. Kung ang diet ay mataas sa processed foods, asukal, chichirya, fried food, at alak, nahihirapan ang atay gampanan ang mga trabaho nito na nagiging dahilan ng mga sakit.
Para mapanatili ang kalusugan ng atay, mahalagang kumain ng diet na mataas sa fiber, antioxidants, at healthy fats. Ang mga ito ay makikita sa whole grains, legumes, nuts at oatmeal. Ang pagkain ng prutas at dahong gulay ay malaking tulong din sa proper digestion at pagbawas ng dumi at toxins sa katawan.
Para naman mapanatiling malusog ang puso, kailangan ng steady supply ng nutrients. Ito ay makukuha sa pagkain ng isda, nuts, at avocado. Kailangan din kumain ng maraming prutas at sari saring gulay para sa kalusugan ng puso.
Iwasan ang diet na mataas sa saturated fats tulad ng sausages, butter, cheese, chocolates, cakes at iba pang snacks tulad ng popcorn at chips. Magbawas din sa pagkain na mataas sa cholesterol tulad ng fried food, full-fat dairy, at mga pagkaing mamantika.
Ang mga pagkaing ma-cholesterol ay maaaring magdulot ng pagbabara sa mga ugat sa puso na maaaring mauwi sa sakit sa puso o heart attack.
Ang susi sa maayos na kalusugan ng puso at atay ay ang pagkakaroon ng maayos na diet. Sa pagpili ng tama at masustansyang pagkain, mapapanatiling malayo sa sakit ang mga napakahalagang organs sa katawan.
SOURCES:
https://www.amsety.com/livermatters/liver-diet/cardiac-diet-healthy-liver/
https://www.webmd.com/hepatitis/ss/slideshow-foods-help-liver