ANO ANG MGA PANGANIB SA KALUSUGAN NG LIVER
Mayroong tatlong major risk factors na maaaring mauwi sa sakit sa atay – obesity o ang pagtaba, undiagnosed hepatitis infection at sobrang pag-inom ng alcohol.
Ang obesity o pagtaba at pagtaas ng timbang ay hindi maganda sa kalusugan. Nakikita ito na sanhi ng mga kanser tulad ng pancreatic cancer at liver cancer. Ayon sa mga pag-aaral, kapag patuloy ang pag-taba ng isang tao, nagiging sanhi ito ng pag-produce ng hepatocellular carcinoma. Kapag hindi tumigil din ang pagdagdag ng timbang dahil sa labis na magpakain, maaring magdulot ito ng fatty liver inflammation. Mayroong koneksyon ang obesity at liver cancer dahil sa sakit na non-alcoholic fatty liver disease (NAFLD) at non-alcoholic steatohepatitis (NASH). Ang NASH ay ang pagkakaroon ng fatty liver inflammation na pwedeng mauwi sa fibrosis at cirrhosis.
Ang pag-inom ng labis na alcohol o alak ay hindi mabuti para sa atay. Dahil ang alcohol ay toxic at addicting substance, mabilis itong kinokonsumo ng ating katawan na syang dumadaan sa liver. Ngunit kung sobrang dami ang iniinom na alcohol, nahihirapang ang atay linisin ito at nauuwi ito sa ALD or alcoholic liver disease. Dagdag pa dito, ang mga babae na malalakas uminom ng alak ang mas kandidato magkaroon ng sakit sa liver na pwedeng maging liver cancer.
Ang Hepatitis C virus ay isang highly infectious virus at naipapasa ito sa pamamagitan ng blood borne routes, tulad ng blood infusion or pagsalin ng dugo, pag gamit ng infected injection, pakikipagtalik sa isang infected na tao, o kaya mother to child transmission. Kadalasan, one fifth ng nakakuha ng Hepatits C ay gumagaling samantalang ang iba ay pinagsisimulan na ng chronic Hepatitis C infection at 5-15% ay mauuwi sa pagkakaron ng cirrhosis pagkatapos ng 20 years.
Para maiwasan ang liver cancer, ugalian nating mag-exercise at kumain ng mas maraming masustansyang pagkain. Iwasan din ang mga nakaka-tabang pagkain at pag-inom ng sobrang alak na hindi lang makakadag sa timbang, masama sa katawan, ngunit nauuwi din sa liver cancer.
SOURCES:
https://www.scotpho.org.uk/health-wellbeing-and-disease/chronic-liver-disease/risk-factors/ https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S016882781100804X