Share This Story

Gusto mag-abroad pero may Hepa B: Pwede ba?

Kahit anong trabaho ay pwedeng applyan ng isang taong may Hepatitis B lalo na ang mga trabaho na hindi kinakailangang ma-expose sa dugo o sa mga karayom.

Pero hindi lahat ng bansa ay tumatanggap ng mga aplikante na may Hepa. Isa itong uri ng discrimination na bagaman ay hindi makatarungan, isa itong realidad.

Hindi rin pareho ang mga polisiya ng mga ukol sa Hepa B. Ito ang ilang paraan para mapaghandaan ng mga may Hepa B ang planong pagtatrabaho sa ibang bansa.

Mag research. I-check ang immigration/emigration policies na itinalaga ng gobyerno ng bansang gustong pagtrabahuhan. Tignan ang kanilang website at employment information. Pwede rin humingi ng tulong sa mga employment agencies.

I-consider ang employment skills. May mga bansang tumatanggap ng mga job applicants na may Hepa B, maliban sa mga trabaho sa healthcare industry. Ang World Hepatitis Alliance ay may member organizations na nakatira sa iba’t ibang bansa. Pwedeng kontakin ang isang lokal na miyembro sa World Hepatitis Alliance sa napupusuang bansa para sa iba pang local policies. Pwedeng i-check ang mga member list at contact information dito.

Alamin ang mga bansa/lugar na may striktong policies. Isa na dito ang United Arab Emirates (UAE), na sakop ang Abu Dhabi, Ajman, Al Fujayrah, Ash Shariqah, Dubai, Umm -al Quwain, at iba pang gulf coast countries. Hindi tinatanggap dito ang mga aplikante na may Hepa B para magtrabaho sa nurseries at bilang domestic workers tulad ng housemaids o kasambahay, nannies o yaya, at drivers, food handlers at workers sa restaurants at cafes, mga workers in salons at beauty centres at mga health clubs.

Humingi ng health report mula sa iyong doctor. Kung na deny ang iyong work permit dahil ikaw ay may chronic Hepa B, pwede kang sumulat sa Immigration. Samahan ito ng health report mula sa iyong doktor. Pero hindi garantisadong mababago nito ang desisyon ng pag deny ng work permit. Madalas ang mga polisiya ng mga bansa ay final.

Alaman ang karapatan. Kung makatanggap man ng diskriminasyon, importanteng malaman mo ang iyong karapatan. I-report ang iyong karanasan sa Discrimination Registry ng Hepatitis B Foundation o i-contact ang Hepatitis B Foundation sa discrimination@hepb.org o 215-489-4900.

Huwag hayaang mawala ang iyong dream career dahil sa Hepa B. Kailangan mo lang alamin ang tamang impormasyon, ang iyong mga karapatan, at ang mga organisasyon na pwedeng lapitan para sa suportaha at assistance kung kinakailangan.

References:
mmigration and Internal Issues. Hepatitis B Foundation.
https://www.hepb.org/resources-and-support/know-your-rights/immigration-and-international-issues/

Health conditions for UAE residence visa. UAE Government Website.
https://u.ae/en/information-and-services/health-and-fitness/health-conditions-for-uae-residence-visa

Ainsworth, C. (March 30, 2022). Destigmatizing Hepatitis B. Nature.com.
https://www.nature.com/articles/d41586-022-00816-x