Share This Story

Hepatitis: Mga Sanhi at Paano Maiwasan

Ang hepatitis ay nagdudulot ng pamamaga sa liver cells at pinsala sa atay. Mayroong iba’t ibang uri at sanhi ng hepatitis, ngunit maaaring magkatulad ang mga sintomas.

May limang pangunahing viruses na nagdudulot ng viral hepatitis na tinatawag na A, B, C, D, at E. Ang type B at C ay humahantong sa chronic disease, o kondisyon na kadalasan ay tumatagal ng tatlong buwan o mahigit at pwedeng lumala makalipas ang panahon. Ang dalawang uri ng hepatitis na ito ang pinaka-karaniwang sanhi ng liver cirrhosis at cancer.

Ang Hepatitis A at E naman ay dulot ng ingestion ng pagkain o tubig na contaminated. Kadalasan, hindi ito nakamamatay. Nakakarecover ang mga pasyente pero dapat mag-ingat ang mga buntis dahil pwede itong magdulat ng komplikasyon sa sanggol sa kanilang sinapupunan.

Ang Hepatitis B, C and D naman ay kadalasang dulot ng parenteral contact tulad ng needle sticks, cuts, at abrasions sa mga infected body fluids. Ang mga common modes of transmission sa mga viruses na ito ay ang pagtanggap ng contaminated blood o blood products, invasive medical procedures gamit ang contaminated equipment, pananganak ng infected na nanay, at sa pamamagitan ng sexual contact.

Hindi lahat ng taong infected ay may sintomas. Kung meron man, ito ay pagkapagod, walang ganang kumain, masakit ang tyan, naduduwal, o paninilaw ng balat at mata.

Paano makaiwas sa Hepatitis A at E

  • Maghugas ng kamay pagkatapos gamitin ang palikuran at bago magprepara ng pagkain at bago kumain.
  • Siguraduhing nalutong maigi ang pagkain at maayos ang storage nito
  • Uminom lamang mula sa bottled water kung babyahe sa ibang lugar
  • Iwasan o balatan ang mga prutas at gulay na maaaring hinugasan gamit ang maruming tubig.
  • Magpabakuna kontra hepatitis A lalo na kung babyahe sa lugar na may mataas na kaso ng hepatitis A.

Paano makaiwas sa Hepatitis B, C, D

  • Makipag-usap sa iyong sexual partner tungkol sa anumang mga virus na maaaring mayroon sila
  • Gumamit ng barrier method, tulad ng condom kung makikipagtalik
  • Gumamit lamang ng bago at malinis na needles
  • Gumamit ng sariling toothbrush, razor, at manicure instruments
  • Siguraduhing ang tattoo o acupuncture equipment na gagamitin ay sterile
  • Tanungin ang iyong doctor tungkol sa hepatitis B vaccine
  • Magpasuri kung may hepatitis kung buntis o kung at risk for infection References:

Viral hepatitis: Types, symptoms, and prevention. (2020, March 19). www.medicalnewstoday.com. https://www.medicalnewstoday.com/articles/145869#prevention

CDC. (2019). Hepatitis B Information. Centers for Disease Control and Prevention. https://www.cdc.gov/hepatitis/hbv/index.htm

Hepatitis. (n.d.). www.who.int.
https://www.who.int/news-room/questions-and-answers/item/hepatitis