Share This Story

Liver Cancer:  Alamin Kung Paano Maiiwasan Ito

Ang Liver cancer ay isang uri ng cancer na nagsisimula sa cells ng ating liver o atay.

Nangyayari ito kapag ang malignant (cancer) cells ay nagsimulang mamuo sa tissues ng liver o atay.

Ang pagkalat ng liver cancer ay depende sa uri ng cancer.  Ang Hemangiosarcoma at angiosarcoma ang uri ng liver cancer na mabilis kumalat.  Ang hepatocellular carcinoma ay mabagal kumalat.

Ayon sa DOH advisory, ang liver cancer ay 3rd na pinaka-common na cancer ng mga Pilipino, 2nd na pinaka-common sa lalake at 9th naman sa babae.

Ayon din sa Continuous Update Project Panel of World Cancer Research Fund and American Institute for Cancer, ang Pilipinas din ay nasa Top 25 countries na may pinakamataas na bilang ng liver cancer sa taong 2018.

Uri ng Liver Cancer

May 4 na uri ng liver cancer:

  • Hepatocellular carcinoma: Kilala din bilang hepatoma, ito ang pinaka-common na uri ng liver cancer
  • Cholangiocarcinoma: Tinatawag din na bile duct cancer at nagsisimula sa maliit na tube-like bile ducts sa atay.
  • Liver angiosarcoma: Isang rare form ng liver cancer na nagsisimula sa blood vessel ng liver. Mabilis ang cancer na ito at nakikita ito sa advance stage na.
  • Hepatoblastoma:Isa sa extremely rare type of liver cancer na halos laging nakikita sa mga bata tatlong gulang pababa. Gumagaling ito sa pamamagitan ng surgery at chemotherapy.

Sanhi ng Liver Cancer

Ang liver cancer ay resulta ng pag mutate or pag-bago ng DNA ng liver cells.  Kapag may biglang pagbabago sa DNA ng liver cells, nagiging sanhi ito upang may tumubong tumor o mass o cancerous cells.

Ang pagkakaroon din ng chronic hepatitis B or hepatitis C virus infection ay isang sanhi din ng liver cancer.  Ang labis na pag-inom ng alak na nauuwi sa cirrhosis ay pwede din pagsimulan ng liver cancer.  Ang pagkakaroon ng non-alcoholic fatty liver disease ay isang sanhi din ng liver cancer.  Ngunit, may mga pagkakataon din na kahit walang underlying condition, sakit o history, ay nagkakaroon pa rin ng liver cancer.

Sintomas ng Liver Cancer

Kadalasan, walang sintomas ang early stages ng primary liver cancer. Ang mga sumusunod ang mga ilan sa palatandaan ng sakit:

  • Labis na pangangayayat ng walang dahilan
  • Wala at nawawalang ganang kumain
  • Upper abdominal pain
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Laging pagod
  • Lumalaking tyan
  • Naninilaw ang putting bahagi ng mata
  • Nagiging puti at chalky ang dumi

Sumangguni kaagad sa doctor kapag may mga ganitong sintomas.

Paano maiiwasan ang Liver Cancer

  • Magpaturok ng hepatitis B Vaccine
  • Iwasan magkaroon ng hepatitis C at mag-ingat na mahawa sa mga taong may sakit na ganito
  • Huwag masyadong uminom ng alcohol at manigarilyo
  • Huwag masyadong magpataba at mag-exercise ng regular

References:

Liver Cancer. Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/liver-cancer/symptoms-causes/syc-20353659

(January 25, 2021). Liver Cancer and Viral Hepatitis in the Philippines: A Silent Epidemic.
National Nutrition Council. https://www.nnc.gov.ph/regional-offices/visayas/region-viii-eastern-visayas/4647-liver-cancer-an d-viral-hepatitis-in-the-philippines-a-silent-epidemic

Liver Cancer Causes, Risk Factors, and Prevention. National Cancer Institute.
https://www.cancer.gov/types/liver/what-is-liver-cancer/causes-risk-factors