Liver Transplant para sa Liver Failure Patients
Kung ‘di na nagagawa ng atay ang tungkulin nito sa katawan, hindi na kayang mag-survive ang isang tao. Kaya kailangan ng liver transplant ng mga pasyente na may end-stage liver o chronic liver failure sakaling wala nang ibang treatment options na pwede.
Ayon sa National Kidney Transplant and Institute (NKTI), lahat ng pasyenteng may liver failure ay kinokonsiderang “possible transplant recipients.” Kabilang na dito ang mga pasyenteng may life-threatening complications tulad ng bleeding, recurrent episode of encephalopathy, coagulopathy, spontaneous bacterial peritonitis, at mga pediatric patients, deep jaundice, growth and development retardation, metabolic bone disease, at malnutrition.
Pero bago pa isama sa waiting list ang isang pasyente, kailangan muna silang i-evaluate ng transplant team para masigurong walang contraindications sa gagawing transplantation at para maintindihan ng pasyente at ng kanyang pamilya ang buong benefits, risks, at mga inaasahang mangyari pagkatapos ng operasyon.
Mga Contraindications Sa Orthotopic Liver Transplantation
Medical
- Meron pang acceptable alternative therapy bukod sa liver transplant
- Refractory impairment ng ibang organ(s) na pwedeng makasagabal sa surgical procedure o sa quality of life ng pasyente matapos ang transplant tulad ng severe CNS injury or irreversible heart disease.
- Systemic infections
- HIV infection
- Hepatocellular carcinoma with extra-hepatic metastasis.
Social
- Kakulangan ng suporta at commitment ng pamilya sa pangangalaga sa pasyente before, during, at after ng transplant
- Kakulangan ng cooperation sa medical team.
- Kakulangan sa pag-intindi ng procedure at mga komplikasyon. Kino-konsidera ito dahil mahabang proseso ang transplantation at dahil kakaunti lamang ang available na organ kaya sinisiguradong dapat maibigay ito sa talagang nangangailangan.
Evaluation sa Liver Transplant Candidate
Kabilang sa evaluation ang mga non-invasive at invasive tests para:
- Matukoy ang precise diagnosis, stage, prognosis, speed of expected progression at expected outcome ng sakit matapos ang transplantation;
- Outline ng intra-abdominal anatomy;
- Ma-establish ang status ng pasyente ukol sa mga infectious processes na pwedeng maging problema matapos ang transplantation;
- Ma-establish ang maayos na pakikisama sa mga kamag-anak at care providers para masiguro ang tamang pangangalaga sa pasyente.
- Ma-assess ang psychosocial at financial status ng pamilya;
- Makonsulta ang mga ibang specialties, kung kinakailangan ; at,
- Ma-establish ang maayos na communication system sa pasyente at kamag-anak sa oras ng transplantation.
Pagkatapos ng transplant
Karamihan sa mga nag-undergo ng liver transplant ay lumalakas ang katawan. Nakagagawa sila ng kanilang mga routine activities na ‘di nila nagagawa bago ang transplantation dahil sa mahinang katawan.
Wala namang bawal sa mga pagkain. Mahalaga ang tamang dami ng calories, proteins, vitamins at minerals para sa rehabilitation process at tamang nutrisyon sa katawan. Bagama’t may mapapansin na pagtaas ng timbang matapos ang transplant, dapat iwasang humantong ito sa obesity para mapanatili ang kalusugan ng pasyente.
Bibigyan din ang liver transplant patient ng gamot na kailangang inumin habambuhay para hindi i-reject ng katawan ang bagong atay. Dahil nasu-supress ng gamot ang immune system, mas mataas ang risk sa impeksyon, kaya kailangan magreseta ng gamot ang doktor.
References:
Liver Transplant. (n.d.). www.hopkinsmedicine.org. https://www.hopkinsmedicine.org/health/treatment-tests-and-therapies/liver-transplant
Our Services. (n.d.). Nkti.gov.ph. https://nkti.gov.ph/index.php/services
Liver transplant – Mayo Clinic. (n.d.). www.mayoclinic.org. https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/liver-transplant/about/pac-20384842#:~:text=A%20l iver%20transplant%20is%20a