Mag Exercise para sa Kalusugan ng Puso at Atay
Ang exercise o ehersisyo ng regular ay napakahalagang gawin para sa kabuuang kalusugan ng ating katawan. Ang simpleng aerobic exercise tulad ng regular na paglalakad araw-araw ng 30 minuto ay napakalaking bagay para sa puso at sa katawan. Pinapatibay nito ang buto, binabawasan ang taba sa katawan, at higit sa lahat, nakakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng heart disease, type 2 diabetes, osteoporosis, at ibang uri ng cancer.
Ang pagbibisekleta, pag-lalangoy, at pag-jogging o pag-takbo ay mga uri din ng aerobic exercise na mabuti para sa puso at cardiovascular system. Ito ay may magandang epekto sa pagdaloy ng dugo sa katawan at pinapataas ang daloy ng oxygen na pumupunta sa liver o sa atay.
Ang pag exercise din ay napakainam para sa kalusugan ng liver o atay. Tinataas nito ang fatty acid oxidation, binababa ang fatty acid synthesis, at pinipigilan ang mitochondrial at hepatocellular damage. Sa madaling sabi, pinapabuti ng pag eehersisyo ang kalagayan ng liver para maiwasan ang mga sakit sa atay. Para mapanatiling malusog ang atay, ugalian mag exercise ng 150 minutes kada linggo – maaaring kombinasyon ito ng iba’t ibang ehersisyo.
Ugaliin gmag exercise ng regular at bantayan ang kinakain, dahil ang pagdagdag ng timbang ay maaaring mauwi sa fatty liver disease. Kumain din ng pagkaing nakakatulong lalo pang magpalusog ng puso at atay tulad ng prutas, kamatis, sibuyas, at seafood na mayaman sa omega-3 tulad ng salmon, sardinas at tuna. Ang vitamins A at C, na nakukuha sa prutas at gulay tulad ng spinach na naglalaman ng folate ay mabuti para sa puso at antioxidants para naman sa atay. Ang broccoli ay napakabuti din para sa kalusugan ng atay dahil pinipigilan nito ang fatty liver.
Tandaan, mapapanatili ang kalusugan ng puso at atay sa pamamagitan ng pag exercise, malusog na pagkain, pag iwas sa bisyo, at tamang pahinga. Ang pag exercise ang isa sa pinaka malakas na depensa ng katawan para labanan din ang mga toxins na nagdudulot ng maraming sakit sa katawan.
SOURCES:
https://drjoegalati.com/2019/02/26/good-for-your-heart-good-for-your-liver-too/#:~:text=In%20ad dition%20to%20vitamins%20A,in%20the%20liver%20in%20mice.
https://www.webmd.com/fitness-exercise/guide/exercise-healthy-heart