Magkaugnay ang Sakit sa Puso at Sakit sa Atay
Ang kalusugan ng liver o atay ay may kaugnayan sa kalusugan ng puso.
Kapag nagkaroon ng karamdaman ang puso, nagiging mahina ito at naapektuhan ang kakayahan nitong mag pump ng dugo sa buong katawan. Sa tuwing nababawasan ang dugong dumadaloy sa buong katawan, kakaunti ang oxygen na umiikot sa katawan na nag reresulta sa kapos na paghinga, pamamaga ng paa o fluid buildup. Kakaunti ang nakukuhang dugo ng lahat ng organs sa katawan kabilang na ang liver o atay. At ang kakulangan ng sapat na dugo at oxygen ay nagdudulot ng sakit sa atay.
Nagkakasakit ang atay tuwing kulang ang nakukuha nitong dugo at oxygen mula sa puso. Ang nonalcoholic fatty liver disease o NAFLD ay isang kondisyon na karaniwang nagsisimula rin sa sakit sa puso. Ito ay maaaring mauwi sa permanent liver damage at atherosclerosis, kapag nagkaroon ng bara ang mga arteries ng puso. Ang patuloy na pag buildup ng fat sa atay ay maaaring mauwi rin sa heart failure.
Kahit magkaugnay ang sakit sa puso at sakit sa atay, pwedeng maiwasan ang mga ito sa pamamagitan ng wastong lifestyle at kalusugan. Ilan sa mga paraan upang mapalakas ang puso at ang atay ay ang pagkain ng masustansyang pagkain para maiwasan ang paglaki at pag-bigat ng timbang, pag exercise ng madalas, at sapat na pahinga.
SOURCES:
https://www.heart.org/en/news/2022/11/16/fatty-liver-disease-may-increase-heart-failure-risk
https://www.health.harvard.edu/heart-health/fatty-liver-disease-an-often-silent-condition-linked-t o-heart-disease
https://www.webmd.com/heart-disease/heart-failure/heart-failure-complications