Share This Story

Naninilaw ang ilang parte ng katawan? Baka sakit sa atay.

Jaundice ang tawag sa kondisyon kung saan naninilaw ang balat, mucous membranes, at ang puting bahagi ng mata. Madalas, senyales ito na may problema sa atay o ducts ng apdo.

Kapag may problema ang atay, pwedeng maipon sa ating dugo ang waste material na tinatawag na bilirubin. Kapag masyadong marami ang bilirubin na dapat i-process ng ating atay, pwede itong mag-build up sa katawan. Ang tawag dito ay hyperbilirubinemia. Ito ang sanhi ng paninilaw ng balat at ng mata.

Depende sa edad, ang jaundice ay may iba’t-ibang sanhi at treatment options,

Jaundice sa mga adults

Maraming pwedeng sanhi ang jaundice sa mga adults. Kadalasan dulot ito ng mga disorders at mga gamot na nakasisira ng atay, nakakasagabal sa apdo, o nakasisira sa red blood cells (hemoplysis), na dahilan para magproduce ng mas maraming bilirubin na higit pa sa kaya ng atay.

Mga pinaka karaniwang sanhi ng jaundice:

  • Hepatitis
  • Alcohol-related liver disease
  • Pagbabara sa bile duct dulot ng gallstone o tumor
  • Toxic reaction ng katawan sa gamot o medicinal herb

Mga warning signs na dapat abangan:

  • Pananakit o tenderness sa tyan
  • May dugo o maitim na dumi
  • Pagbabago sa mental function (nagiging iritable,antukin, o madaling malito)
  • Pagsuka ng may dugo
  • Lagnat
  • Madaling magkaroon ng pasa o pagdurugo

Kapag meron ka ng isa sa mga ito, dapat ay magpakonsulta agad sa doktor. Kapag jaundice lang at walang kaakibat na ibang sintomas, dapat pa rin magpakonsulta sa doktor.

Walang treatment sa jaundice. Ang underlying cause o problema na nagdudulot nito ang dapat gamutin, kung kinakailangan. Kaya importante ang pagkonsulta sa doktor kung may jaundice o sintomas nito.

Kung ito ay dulot ng viral hepatitis, pwede itong mawala pa onti-onti habang nag i-improve ang kondisyon ng atay. Pero tandaan na pwedeng maging chronic ang hepatitis kahit na mawala ang jaundice.

Kung ang sanhi naman ay pagbabara sa bile duct, kailangan sumailalim ang pasyente sa procedure para buksan ang bile duct sa tulong ng endoscope.

Dahil maraming kondisyon ang pwedeng maging sanhi ng jaundice, walang malinaw na paraan para maiwasan ito. Pero may mga paraan para maiwasan ang mga underlying diseases na nagdudulot ng jaundice. Para mabawasan ang risk sa liver disorder, umiwas o bawasan ang alak. Para mabawasan ang risk sa hepatitis infection, mag practice ng good hygiene at safe sex.

Jaundice sa mga sanggol

Isang common condition ang infant jaundice sa mga sanggol na ipinanganak bago ang 38 weeks’ gestation (preterm babies). Madalas nagkakaroon ng infant jaundice ang atay ng sanggol kasi hindi pa mature ang atay ni baby para linisin ang bilirubin sa dugo. May ilang kaso na dahil ito sa isang underlying na sakit. Kadalasan, nakikita ang paninilaw 2-4 days matapos ipanganak si baby.

Ang good news, karamihan sa kaso ng infant jaundice ay lumilipas din habang nadedevelop ang atay ni baby at nagsisimula na siyang mag gatas na makakatulong para mailabas ang bilirubin sa katawan.

Temporary lamang ang jaundice sa mga malusog na sanggol. Karamihan sa mga kaso ng infant jaundice ay gumagaling sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo. Kung lumagpas ito ng tatlong linggo, pwedeng sintomas ito ng isang underlying condition. Heto ang ilang paalala kapag si baby ay may jaundice.

  • I-breastfeed pagkapanganak para makuha nya ang colostrum (first milk) sa mga unang araw ng kanyang buhay. Dalasan ang pag breastfeed para matulungan matanggal ang bilirubin sa katawan ni baby.
  • Huwag painumin ng tubig, formula milk, o sugar water. Pwedeng itong magpatigas ng dumi ni baby na pwedeng maging sanhi ng constipation. Pag may constipation, nahihirapan ilabas sa katawan ang bilirubin, kaya’t lalong tatagal ang jaundice ni baby.
  • I-expose si baby sa indirect sunlight o phototherapy sa ospital o clinic.

Napatunayang kayang i-breakdown ng sunlight ang bilirubin. Katumbas ng isang oras ng sunlight exposure ang anim na oras ng exposure sa bilirubin lights sa ospital. Pero tandaan na dapat indirect sunlight lang dapat ang exposire ni baby para hindi ito ma-sunburn. Pwede itong gawin sa bintana sa loob ng bahay, 20-30 minuto dalawang beses sa isang araw.

Kelan ba dapat tumawag ng doktor? Ang mga warning signs na may severe jaundice o may komplikasyon na dulot ng sobrang bilirubin sa katawan, ay mga sumusunod:

  • Nagiging mas madilaw ang balat, partikular na sa tyan, kamay, hita
  • Paninilaw ang mga puting parte ng mata na lagpas na sa dalawang linggo
  • Matamlay o mahirap gisingin
  • Hindi nadadagdagan ang timbang o walang gana mag-gatas
  • May matining o high-pitch na iyak
  • May iba pang sintomas na nakakabahala

Pinakamainam para maiwasan ang infant jaundice ay sapat na pag-inom ng gatas ng ina. Ang breast-fed na sanggol ay dapat may 8-12 feedings sa kanyang first several days of life.

References:

Health Direct. (2018, February 15). Jaundice. Healthdirect.gov.au; Healthdirect Australia. https://www.healthdirect.gov.au/jaundice

Infant Jaundice. The Mayo Clinic.

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/infant-jaundice/symptoms-causes/syc-20373865#:~:text=A%20newborn’s%20immature%20liver%20often,or%20third%20day%20of%20life.

(August 13, 2021). What to do if your baby has jaundice (yellowing of the skin)?. National Nutrition Council. https://www.nnc.gov.ph/regional-offices/mindanao/region-xi-davao-region/5805-what-to-do-if-yo ur-baby-has-jaundice-yellowing-of-the-skin

Tholey, D. (February 2021). Jaundice in adults. MSD Manual. https://www.msdmanuals.com/home/liver-and-gallbladder-disorders/manifestations-of-liver-dise ase/jaundice-in-adults