Share This Story

PAANO ALAGAAN ANG IYONG LIVER

Ang liver o atay ang pinakamalaking organ sa loob ng ating katawan. Mahalaga ang ginagampanan nito sa ating digestive system. Isa sa pangunahing ginagawa nito ay ang paglilinis ng dugo laban sa masasamang kemikal na ginagawa ng ating katawan.

Ang liver ang sya ring gumagawa ng bile na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at nag-iimbak ng sugar o glucose sa ating katawan para bigyan tayo ng lakas at enerhiya.

Maraming paraan para mapanatiling malusog ang ating liver.

Iwasan ang pag-inom ng sobrang alak. Matinding sanhi ito ng pagkasira ng liver cells at madalas nauuwi sa pamamaga o pagkasugat ng liver at nagiging cirrhosis, isang nakakamatay na sakit.

Kumain ng masustansyang pagkain at mag-exercise lagi. Ang pagkain ng tamang pagkain at regular exercise upang hindi tumaba ng husto ay makakatulong para hindi magkaroon ng non-alcoholic fatty liver disease.

Wag basta basta iinom ng mga gamot. May mga gamot na pang cholesterol na may side effects sa liver at nagdudulot ng sakit tulad ng ilang painkillers. Kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot bago.

Alamin kung paano maiiwasan ang viral hepatitis. Mapanganib na sakit sa liver ang viral hepatitis. Kaya’t pag-aralan kung paano maiiwasan ito at umiwas din sa mga taong may sakit na ito. Ang Hepatitis B at C ay napapakalat sa pamamagitan ng dugo at body fluids. Kaya wag mag-share ng toothbrushes, razors, o needles. Gumamit din ng condom at iwasan ang pakikipagtalik sa maraming tao. Walang bakuna ang hepatitis C pero merong bakuna ang hepatitis B. Magpa-konsulta agad sa doctor kung sa tingin mo nahawa ka na.

Iwasan ang mga bagay na toxic o may toxins. Mag-ingat sa paggamit ng mga pang-linis, aerosol, at insecticides na may mga kemikal na makakasama sa liver.

Iwasan ang paninigarilyo. Ang mga additives at kemikal sa sigarilyo ay masama sa kalusugan ng atay.

Mag-ingat sa mga herbal at dietary supplements. Hindi lahat ng mga supplements ay ligtas inumin. Tignan ang nilalaman nito bago inumin. Ang cascara, chaparral, comfrey, kava at ephedra ay maaaring makasama sa liver. Ang pag-inom din ng milk thistle seed, borututu bark, at chanca Piedra ay hindi rin mabuti.

Sources:
https://www.webmd.com/hepatitis/features/healthy-liver