Paano Nakakaapekto ang Liver Transplant sa Colorectal Cancer
Nasisira ang liver o atay kapag ito ay nagkaroon ng matinding sakit tulad ng cirrhosis, viral hepatitis, o acute hepatic necrosis kung saan ito ay nagkaroon ng matinding impeksyon mula sa gamot, drugs o toxins. Ang mga sakit na ito ay nauuwi madalas sa chronic liver failure at ang pasyente ay kailangan sumailalim sa isang liver transplant para gumaling at mabuhay pa.
Ang liver transplant ay isang operasyon kung saan aalisin na ang atay o liver na hindi na gumagana ng maayos. Papaltan ito ng malusog na liver mula sa isang healthy donor, buhay man o patay na. Ang ilalagay na liver ay dapat kaparehas ng blood type ng pasyente.
Ang mga pasyenteng sumasailalim sa liver transplant ay nabubuhay ng 5 hanggat 20 taon o higit pa. Ngunit ang mga taong nagkasakit at nagkaroon ng chronic liver disease, kahit nag liver transplant na sya, ay kanditdao pa rin magkaroon ng colorectal cancer. Ito ay dahil sa gamot na binibigay na nagpapababa ng immune system. Nagiging mahina ang katawan ng pasyente labanan ang infection at cancer.
Ang pagkakaroon din ng cancer pagkatapos ng liver transplant ay maaring bunga din ng malalang komplikasyon dulot ng liver transplant.
Ang colorectal cancer ay isang sakit kung ang colon o rectum ay namamaga at lumalaki bigla. Kadalasan, nangyayari ito kapag tumataba at kulang sa exercise ang tao at hindi masyado kumakain ng prutas at gulay. Kayang maiiwasan ang colorectal cancer kapag ang pasyente na sasailalim sa liver transplant ay kukuha ng colonoscopy bago ang operasyon. Ito ay para makita kung may tumutubong abnormal na cancer cells at para maagapan ang cancer.
Ang colorectal cancer ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagkain ng gulay at prutas na mataas sa antioxidants tulad ng saging, mansanas, orange at peras. Ang pag iwas sa pagkain ng labis na karne, pag-inom at paninigarilyo ay makakatulong din. Ang pag-exercise ng regular para hindi tumaba at bumigat ang timbang ay mabuti din para maiwasan ang cancer.
SOURCES:
https://www.hopkinsmedicine.org/health/treatment-tests-and-therapies/liver-transplant
https://www.mayoclinic.org/medical-professionals/cancer/news/liver-transplantation-for-colorecta l-liver-metastases-at-mayo-clinic-in-jacksonville-florida/mac-20523491
https://www.healio.com/news/hepatology/20170201/chronic-liver-disease-linked-to-higher-colore ctal-cancer-risk#:~:text=Patients%20with%20chronic%20liver%20diseases,systematic%20revie w%20and%20meta%2Danalysis.