Share This Story

Primary Liver Cancer vs. Colorectal Cancer with Liver Metastasis

Ang primary liver cancer o hepatocellular carcinoma (HCC) ay isang cancer na nagsisimula sa liver cells. Ito ay may kaugnayan sa chronic liver disease tulad ng hepatitis B o C, alcoholism, at non-alcoholic fatty liver disease. Nangyayari din ang HCC kapag na-expose ang tao sa chemicals o toxins tulad ng aflatoxins, na nanggaling sa fungus ng sira o bulok na grains at nuts.

Ang colorectal cancer with liver metastasis ay isang cancer na nagsisimula sa colon o rectum at kumakalat sa buong atay. Ang atay ang madalas na pinagmumulan ng colorectal cancer metastasis dahil ang blood vessels na ginagamit ng colon at rectum ay diretso sa liver. Mas madalas na nangyayari ang colorectal cancer with liver metastasis at tinatayang 70% ang nagkakaroon nito.

Ang mga sintomas ng cancer na ito ay parehas – pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka, pagbabawas ng timbang at paninilaw. May mga pagkakataon din na ang primary liver cancer ay nagdudulot ng enlarged liver at ang colorectal cancer with liver metastasis ay nagdudulot ng maraming maliliit na tumor sa liver.

Ginagamot ang mga cancer na ito sa pamamagitan ng surgery, radiation therapy, chemotherapy, kombinasyon o liver transplant. Mahalaga na magpatingin sa doktor ang pasyente na may liver cancer para maagapan ang tamang gamutan.

SOURCES:

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5670263/
https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/colon-cancer/treating-colon-ca ncer-that-has-spread-to-the-liver-a-team-approach
https://www.mskcc.org/cancer-care/types/liver-metastases