Share This Story

Problema sa kuko o hairloss? Baka sakit sa atay ang dahilan

Alam mo ba kapag may abnormality sa iyong kuko o sa buhok, pwede itong sensyales ng problema sa atay? Ito ang ilang kondisyon ng ating kuko at buhok na may kinalaman sa ating atay na dapat mong malaman.

Muehrcke’s lines. May nakikitang dalawang guhit na pahalang (horizontal) sa kuko. Pwedeng maapektuhan ang maraming kuko nang sabay sabay. Ilan sa mga katangian nito ay:

  • Madalas makita ito sa pangalawa, pangatlo, at pang-apat na daliri
  • Hindi nababago kung nasaan ang mga linya kahit humaba na ang kuko
  • Ang mga linya nito ay hindi nagdudulot ng pagkayupi sa kuko
  •  Pansamantalang nawawala ang mga linya kapag pinipisil o dinidiinan ang kuko

Naiuugnay ang mga linyang ito sa mababang level ng albumin sa dugo. Tumutulong ang albumin na panatilihing intact ang fluid sa ating ugat at sa pag transport ng hormones, vitamins, at gamot sa ating katawan. Ang albumin ay ginagawa ng ating katawan, sa tulong ng atay. Kaya’t kung may problema sa ating albumin level, pwedeng itong senyales na may problema sa ating atay.

Terry’s Nails. Ito ang tawag sa kondisyon kapag ang buong nail bed ay kulay puti at walang pinkish na kulay. Meron ding nakikitang pula o brownish na band sa dulo ng kuko.  Common na nakakaranas ng ganito ang mga taong may severe liver disease. Kadalasan, nakikita ito sa daliri ng kamay pero may ilang kaso na nakikita ito sa daliri ng mga paa. Pinaniniwalaang dulot ito ng pagkakaroon ng mas maraming connective tissue at kakaonting blood vessels sa nail bed, kaya’t nagiging puti ang kuko.

Nail Clubbing. Ito ay ang paglawak ng sakop ng kuko na nangyayari kapag kumakapal ang mga tissue sa ilalim ng nail plate.  Ang ilang pagbabago sa kuko ay:

  •  Nagiging malawak at bumibilog ang itsura ng kuko
  • Pagkurba pababa ng kuko
  • Paglambot ng nail beds na dahilan para magmukhang nakalutang ang kuko
  •  Paglaki o pamumugto ng dulo ng kuko na may kasamang pamumula at mainit na pakiramdam

Ang nail clubbing ay senyales ng liver disease, partikular na ang cirrhosis.

Hairloss o mga pagbabago sa buhok. Kapag malusog ang atay, maayos nitong nabe-breakdown ang mga toxins ng katawan. Kung may Hepatitis C, naapektuhan nito ang kapasidad ng atay para magawa nito ang kanyang trabaho. Dahil sa Hepatitis C virus (HCV)  sa mga impacts sa paggamot kontra HCV, ang mga toxins ay pwedeng maipon sa mga tissue ang katawan at mahirapan itong maideliver ang mga nutrients sa mga cells. Pwede itong maging dahilan ng inflammation. Ang kakulangan sa nutrients, inflammation, at excessive na toxins sa katawan ay pwedeng maging sanhi ng problema sa buhok, pati na rin sa kuko.

Ang pag-mamanage o paggamot sa mga kondisyon ng kuko at buhok ay karaniwang naka-focus sa pagtukoy sa underlying condition. Kapag mas malala ang kondisyon, mas mahirap nang mawala o magamot ang mga problema sa kuko at buhok. Kaya’t kapag may mga nakitang abnormalities sa kuko o nakararanas ng sudden hairfall o hairloss, mas maiging magpakonsulta na agad sa doktor.

References:
Miller, K. (January 26, 2022). Muehrcke’s Lines of the Fingernails. WebMD. https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/guide/muehrcke-lines-of-the-fingernails

Link, R. (July 2, 2021). Causes of Terry’s Nails and How to Treat Them. Healthline. https://www.healthline.com/health/terrys-nails

Delgado, A. (September 10, 2021). Why Do Fingers or Toes Start Clubbing?. Healthline.
https://www.healthline.com/health/clubbing-of-the-fingers-or-toes

(January 23, 2021). Effects of Hepatitis C On Your Hair, Nails And Skin. GetMeds.ph. https://getmeds.ph/blog/effects-of-hepatitis-c-on-your-hair-nails-and-skin/

Salem, A., Gamil, H., Hamed, M., & Galal, S. (2009). Nail changes in patients with liver disease. Journal of the European Academy of Dermatology and Venereology, 24(6), 649–654. https://doi.org/10.1111/j.1468-3083.2009.03476.x