Share This Story

Stages ng Liver Disease: Liver Inflammation Hanggang Liver Failure

Liver disease ang tawag sa anumang kondisyon kung saan namamaga o nasisira ang atay.

Ito ay karaniwang may apat na stages — inflammation, fibrosis, cirrhosis, end-stage liver disease (ESLD).

Stage 1: Inflammation

Ang tawag sa kondisyon na ito ay hepatomegaly o namamaga/lumalaking atay. Dahil maaga pa, pwedeng hindi ito nakakaabala sa mga pang-araw araw na gawain. Hindi lahat ng kaso ng hepatomegaly ay kailangan ng medical emergency. Ito ay karaniwang senyales na ang tissue sa atay ay may problema. Ang enlarged o namamagang atay ay pwede ring senyales ng:

  • liver disease
  • cancer, tulad ng leukemia
  • genetic disease
  • heart at blood vessel abnormalities
  • impeksyon
  • toxin poisoning

Stage 2: Fibrosis/scarring

Kung hindi naagapan o matagal na ang pamamaga ng atay, pwede itong magka peklat (scarring). Hindi tulad ng malusog na liver cells, hindi kaya ng scar tissue cells na gamutin ang sarili. Kung nagkaroon ng scar tissue ang atay, pwede maantala ang daloy ng dugo sa organ

kaya hindi nito maayos na nagagampanan ang kanyang trabaho. Kaya, unti-unting namamatay ang mga healthy liver cells, dahilan para dumami ang scar tissue

Stage 3: Cirrhosis

Kung puro scar tissue na ang atay at kaunti na lang ang healthy tissue, hindi na nakakapagtrabaho nang maayos ang atay. Cirrhosis ang tawag sa late stage ng

fibrosis/scarring ng atay na dulot ng ilang liver diseases at conditions tulad ng hepatitis at labis na pag-inom ng alak. Sa bawat injury na nangyayari sa atay, ito man ay dulot ng sakit, pag-inom ng alak, at iba pa, sinusubukan nitong i-repair ang sarili. Habang hinihilom nito ang sarili, nagkakaroon ng scar tissue. Kaya’t habang lumalala ang cirrhosis, dumadami ang scar tissue.

Stage 4: End-stage liver failure/disease

Tinatawag din itong chronic liver failure. Nadedevelop ito sa loob ng ilang buwan, taon, o dekada. Kadalasan, cirrhosis ang sanhi nito. Ang mga pasyenteng may abnormal liver function na may ascites, variceal hemorrhage, hepatic encephalopathy, o renal impairment ay kinokonsidera na nasa end-stage liver disease (ESLD). Ang mga pasyenteng may ESLD ay nakakaramdam ng maraming sintomas at komplikasyon na labis na nakakaapekto sa kanyang survival at sa kanyang health-related quality of life.

Paano ginagamot ang liver failure?

Medication. Pwedeng magamot ng acetylcysteine ang liver failure na dulot ng acetaminophen o paracetamol overdose.

Supportive care. Kung virus ang dahilan ng liver failure, pwedeng maagapan ito sa tulong ng pagpapa-ospital hanggat mawala ang virus. Sa ganitong mga kaso, kinakayang maka-recover ng atay mag-isa.

Liver transplant. Kung ang liver failure ay dulot ng long-term damage, ang unang hakbang ay isalba ang parte ng atay na gumagana pa. Kung hindi kaya sa ganitong paraan, kailangan na ng liver transplant. Ang magandang balita? Halos lahat ng kaso ng liver transplant ay matagumpay.

References:

Lights, V. (August 16, 2019). Everything You Need to Know About an Enlarged Liver. Healthline. https://www.healthline.com/health/hepatomegaly

Seladi-Schulman, J. and Williams, A. (November 20, 2022). What You Need to Know About Liver Damage and Disease. Healthline. https://www.healthline.com/health/liver-failure-stages

End-stage liver disease (ESLD). University of California San Francisco Department of Surgery.
https://surgery.ucsf.edu/conditions–procedures/end-stage-liver-disease-(esld).aspx