Survey for the Philippine Hepatitis B Stigma Index
#IHPDS
#HepaBStudy
Magandang araw po!
Ang Institute of Health Policy and Development Studies (IHPDS) ng National Institutes of Health (NIH) sa UP Manila (UPM) ay nangangailangan ng mga participants para sa survey ng research project na “Identifying and Mapping Safe Havens from Stigma and Discrimination: Towards Elimination of Hepatitis B (Hepa B) in the Philippines”.
Ang mga katangian ng mga maaaring sumali sa survey ay ang mga sumusunod:
• Pilipino at kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas.
• May edad na labingwalong taon (18) pataas.
• Na-diagnose na may Chronic Hepa B
• higit sa 6 na buwan positibo sa Hepa B (simula ng taong 1950 hanggang January 31, 2023)
• May kakayahang bumasa at sumagot sa online survey.
• May kagustuhang maging kalahok sa pag-aaral.
Gamitin ang link na ito para sa survey: https://tinyurl.com/HepaBstigma
o i-scan ang QR code sa ibaba.
Maraming salamat po!